Skip to main content

Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa konteksto ng Florante at Laura

Maaaring ang Florante at Laura ay isang aklat lamang na isinulat ni Fransisco Balagtas, na ibinubuo  ng istorya tungkol sa pagmamahalan ng dalawang magkasintahan na sina Florante at Laura. Ngunit, hindi lang ito ang nais na iparating ni Fransisco sa kaniyang mga tagapagbasa, nais niyang iparating sa mga tao ang malupit na pagmamaltrato ng mga kastila sa mga pilipino noon. Ang Florante at Laura ay binubuo ng apat na himagsik ni Balagtas at ito ay ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan, Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya, Himagsik laban sa maling kaugalian, at Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.

Ngayon aking mas tutuunan ng pansin ang Himagsik laban sa maling kaugalian dahil paulit-ulit itong naipapakita sa kabuuan ng Florante at Laura. Simulan natin kay Konde Adolfo na kaaway, kababayan, at kaklase ni Florante. Alam nating lahat na si Konde Adolfo ay mas nakakatanda kay Florante ngunit kahit mayroong agwat sa kanilang edad, kayang-kaya ni Florante na pantayan ang nalalaman ni Konde Adolfo kahit na kabago-bago niya pa lamang sa Atenas. Pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante sa isang pagsasadula nung ibinigay kay Florante ang  karakter na nais ni Adolfo. Buti na lamang nailigtas ni Menandro si Florante, ngunit hindi pa dito natapos ang kasamaan ni Adolfo. Isinabi niyang, siya ay maghihiganti kay Florante balang araw.

 Nung lumaki na si Florante bumalik si adolfo at kaniyang inagaw si Laura mula kay Florante. Pinagtangkaan rin niyang gahasain si Laura, at hindi lang iyan, imbis na hatulan ng kamatayan si Florante ipinatali niya ito sa isang puno ng higera sa loob ng gubat na punong-puno ng mga mababangis na hayop. Sunod ay si Sultan Ali-Adab, siya ang sultan ng Persyang umagaw kay Flerida mula sa kaniyang kaisa-isang anak na si Aladin at hinatulan pa niya ito ng kamatayan. Dahil dito napilitan si Aladin na umalis sa kanilang bayan para lamang mabuhay at maiwasan ang hatol na kamatayan ng kaniyang ama.

Ngunit alam naman nating lahat na sa huli, matatalo't matatalo ng kabutihan ang kasamaan.


Comments

  1. πŸ‘ŒπŸ‘πŸ‘πŸ‘

    ReplyDelete
  2. Mahusay ang pagpapaliwanag ng halimbawa na ito kaugnay sa himagsik laban sa maling kaugalian.

    ReplyDelete
  3. πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»

    ReplyDelete
  4. Makakatulong ito sa akin,salamat!

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng pagsuri dahil maikli lang at mabilis maunawaan.

    ReplyDelete

Post a Comment