Maaaring ang Florante at Laura ay isang aklat lamang na isinulat ni Fransisco Balagtas, na ibinubuo ng istorya tungkol sa pagmamahalan ng dalawang magkasintahan na sina Florante at Laura. Ngunit, hindi lang ito ang nais na iparating ni Fransisco sa kaniyang mga tagapagbasa, nais niyang iparating sa mga tao ang malupit na pagmamaltrato ng mga kastila sa mga pilipino noon. Ang Florante at Laura ay binubuo ng apat na himagsik ni Balagtas at ito ay ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan, Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya, Himagsik laban sa maling kaugalian, at Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan. Ngayon aking mas tutuunan ng pansin ang Himagsik laban sa maling kaugalian dahil paulit-ulit itong naipapakita sa kabuuan ng Florante at Laura. Simulan natin kay Konde Adolfo na kaaway, kababayan, at kaklase ni Florante. Alam nating lahat na si Konde Adolfo ay mas nakakatanda kay Florante ngunit kahit mayroong agwat sa kanilang edad, kayang-kaya ni Florante na pantay...
Pagsusuri ng Himagsik ni Balagtas sa konteksto ng Florante at Laura